Menu

Nawa ay maging mapayapa, ligtas, at makabuluhan ang pag-alaala ng Mahal na Araw ng 1.9 milyong lingkod bayan ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas at ng mga kapwa ko Filipino.

Ang linggong ito ay isang pagkakataon upang gunitain ang dakilang sakripisyo ni Hesus na nag-alay ng kanyang buhay bilang tanda ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

For us in the civil service, we have chosen one of the most profound demonstrations of love for God, it is in the way we serve others, our fellow Filipinos. Ang pagpapakita ng katapatan at kahusayan sa serbisyo publiko ay sumasalamin ng pagsasabuhay ng mga turo sa pagiging isang mabuting Kristiyano at anak ng Diyos.

Let us always remember that how we do our work, how we serve every single day is reflective of our love of God and country. Let us always be more resilient in any challenge, more compassionate in the face of hardship, and more dedicated in working toward a better future to realize a matatag, magihawa at panatag na buhay para sa lahat ng Pilipino.

As we spend the holy week, let us also prioritize spending quality time with our families, reflecting on our blessings and strengthening our bonds. Ngunit huwag nating kaligtaan ang tunay na kahulugan ng paggunita ng Mahal na Araw—ang pagninilay at pagtanggap sa dakilang pagmamahal ng Diyos.

On behalf of the CSC, a safe, peaceful and meaningful Lent to all. Mabuhay kayo at mabuhay ang serbisyo publiko!

Atty. Karlo A. B. Nograles
Chairperson, Civil Service Commission