Menu

Patalastas Bilang 04, s. 2023

ANNOUNCEMENT

SA : LAHAT NG PINUNO NG MGA INSTITUSYONG KONSTITUSYONAL, MGA KAGAWARAN AT AHENSIYA SA PAMAHALAANG PAMBANSA AT LOKAL, MGA KORPORASYONG PAG-AARI AT KONTROLADO NG PAMAHALAAN, AT PAMAHALAANG PAMANTASAN AT KOLEHIYO
 PAKSA : Paggamit ng Wikang Filipino sa Komunikasyon at Korespondensiya

Itinatadhana ng 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksiyon 6 na “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino” at habang nalilinang ito, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral ng mga wika ng Pilipinas, at iba pang wika, at ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles”.

Kaugnay nito, malugod na hinahangad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na buklurin ang mga ahensiya ng pamahalaan upang tupdin ang tadhana ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335 s. 1988, na pormal na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksyon, komunikasyon, at korespondensya.

Karagdagan, hinihimok pa ng KWF na isagawa ang sumusunod na gawain kaugnay pa din ng nasabing batas at kautusan:

  1. Pagsasa - Filipino ng Citizens’ Charter O Gabay ng Mamamayan ng bawat opisina ng pamahalaan;

  2. Pagtatatag ng isang Lupon sa Wikang Filipino na mangangasiwa sa mga gawaing may kaugnayan sa mahusay na pagpapatupad ng mga probisyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335; at,

  3. Pagdalo at paglahok sa Seminar/Webinar sa Korespondensya Opisyal na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino bilang oryentasyon at pagsasanay sa mga nakaatas na batas pangwika.

Kinakailangan magpadala ng liham ang mga intresadong ahensiya sa KWF upang makapagtakda ng petsa at oryentasyon sa pagsasagawa ng face to face o online na seminar. Maaring ipadala ang email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa numerong 09206512590.

Para sa karagdagang detalye at impormasyon, maaring makipag-ugnayan kay Gng. Pinky Jane Santelices-Tenmatay sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..


View full document here: Announcement No. 04, s. 2023: Paggamit ng Wikang Filipino sa Komunikasyon at Korespondensiya