Menu

Patalastas Bilang 02, s. 2023

ANNOUNCEMENT

SA : LAHAT NG PINUNO NG MGA INSTITUSYONG KONSTITUSYONAL, MGA KAGAWARAN AT AHENSIYA SA PAMAHALAANG PAMBANSA AT LOKAL, MGA KORPORASYONG PAG-AARI AT KONTROLADO NG PAMAHALAAN, AT PAMAHALAANG PAMANTASAN AT KOLEHIYO
 PAKSA : PARTISIPASYON SA MGA TIMPALAK NG KOMISYON SA WIKAN FILIPINO

Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Bilang 968, s. 2015, na nagdedeklera sa buwan ng Abril bilang Buwan ng Panitikang Pambansa o National Literature Month na nagbibigay halaga sa panitikan na nakalimbag sa iba’t ibang wika sa Pilipinas na itinuturing na pamanang pangkultura sa mga susunod na henerasyon.

Ang tema sa taong ito ay “Kultura ng Pagkakaisa: Pagpapaalab ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan”.

Kaugnay nito, malugod na inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga kinauukulan na makilahok sa mga sumusunod na timpalak para sa taong 2023.

  • TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON 2023. Ito ay isang patimpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod ng KWF na naglalayong pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tula. Dedlayn: 14 PEBRERO 2023, 5:00 nh.

  • TIMPALAK SA TULANG SENYAS 2023. Ang Timpalak sa Tulang Senyas ay kauna-unahang patimpalak sa pagtula sa pasenyas na paraan. Itinataguyod ito ng KWF na naglalayong kilalanin at bigyang-puwang and di-matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang kabilang sa Deaf Community, at makapag-ambag sila sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtula. Dedlayn: 13 PEBRERO 2023, 5:00 nh.

  • DANGAL NG PANITIKAN 2023. Ito ay ang mataas na pagkilala sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nito ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at iba pang wikang panrehiyon o panlalawigan. Dedlayn: 13 PEBRERO 2023, 5:00 nh.

Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa telepono blg. 0928-8441349 o mag email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..


View full document here: Announcement No. 02, s. 2023: Partisipasyon sa ma Timpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino