Menu

Patalastas Bilang 13, s. 2023

ANNOUNCEMENT

SA : LAHAT NG PINUNO NG MGA INSTITUSYONG KONSTITUSYONAL, MGA KAGAWARAN AT AHENSIYA SA PAMAHALAANG PAMBANSA AT LOKAL, MGA KORPORASYONG PAG-AARI AT KONTROLADO NG PAMAHALAAN, AT PAMAHALAANG PAMANTASAN AT KOLEHIYO
 PAKSA : PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2023

Alinsunod sa itinakda ng Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na idinaraos tuwing 1-31 ng Agosto.

Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ipinatutupad ang KWF Kapasiyahan ng Kalupunan Blg, 06-02 Serye 2023 na nagtatakda ng temang “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan” na naglalayon na ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at mga wika.

Layunin ng pagdiriwang ang sumusunod:

a) Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
b) Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito;
c) Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
d) Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at,
e) Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWF bilang ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nito.

Hinati sa limang (5) lingguhang tema ang isang buwang pagdiriwang:

 Petsa Tema
 1-5 Agosto  Pagkilala at Pagtaguyod sa Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Wikang Senyas ng Pilipinas.
 7-12 Agosto  Mga Wikang Katutubo: Midyum ng Pagtuturo, Pananaliksik, at Pagkakaisa.
 14-19 Agosto  Mga Wikang Katutubo: Kasangkapan ng Siyensiya at Teknolohiya tungo sa Maunlad na Bansang Pilipinas.
 21-26 Agosto  Mga Wikang Katutubo: Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa sa Pagpapaunlad ng Katarungang Panlipunan.
 28-31 Agosto  Wikang Filipino: Wikang Mapagbangon.

Malugod na hinihikayat ang suporta at pakikilahok ng mga kinauukulan sa mga gawain at programa kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Para sa iba pang detalye at impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa telepono blg. 0928-8441349 o mag sulatroniko sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..


View full document here: Patalastas Bilan 13, s 2023: Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023