Menu

MESSAGE OF CHAIRPERSON KARLO A. B. NOGRALES
Araw ng Kalayaan

12 June 2024

Kaisa ng bumubuo ng Komisyon sa Serbisyo Sibil, ang aking mainit na pagbati at pagtawag ng pakikiisa sa ika-126 taong pagdiriwang ng proklamasyon ng kalayaan ng ating bansa.

This year’s theme, Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan, underscores the importance of independence in the achievement of the country’s collective aspiration for the future as contained in the Philippine Development Plan. Sovereignty gives us the liberty as a country to work with a whole-of-government and whole-of-society approach to implement programs that build a better life for future generations and ensure that “Filipinos enjoy a strongly-rooted, comfortable, and secure life”.

Ngunit kailangan ding bigyan ng pagpapahalaga ang kasaysayan upang maging mas makabuluhan ang pagdiriwang ng araw ng ating kalayaan. We need to look back and learn from the lessons of bravery and the sacrifices of our predecessors. We need to look into our nation’s history so that our identity as a community, as a nation is grounded on facts and strong historical tradition. We can engage the present and the future with the confidence that whatever mistakes committed in the past will not be repeated, and use these lessons in coming up with solutions that are anchored in the wisdom gained from our common history.

Buo ang suporta ng Komisyon sa Serbisyo Sibil sa mga gawaing inihanda ng National Historical Commission of the Philippines na naglalayong patibayin ang ating pagiging makabayan at bigyan ng karampatang pagpapahalaga ang ating tinatamasang kasarinlan at demokrasya.

Para sa 1.9 milyong lingkod bayan ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas, isang mabisang daan upang ipakita ang ating pagmamahal sa bayan ay ang paghahanda sa kinabukasan o ang pagiging future-ready. Ang mga inisyatibo tungo sa digital transformation ay maghahatid ng mga konkretong pagpapabuti sa aspeto ng mabuting pamamahala, pagpapayaman ng ating yamang-tao, at paglilingkod sa bayan.

For the part of the CSC, we remain your staunch supporter in your professional development. We will continue to champion human resource programs designed to reinforce digital competencies para walang mapag-iwanan sa patuloy na pagsulong ng teknolohiya na mas magpapahusay ng ating serbisyo.

Muli, ang aking mainit na pagbati sa lahat ng Pilipino saan mang panig ng mundo para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Mabuhay kayo at mabuhay ang serbisyo publiko!