×
ADVISORY!

The views and opinions expressed in this forum are those of the online action officers and not necessarily those of the Office for Legal Affairs or the Commission on CSC laws, rules and regulations. Also, be reminded that the views of the action officer is a mere advice that does not bind the office.

When posting, you agree that the administrator has the right to delete your posts or ban your account without prior warning in case of non-observance of any of the guidelines.
Guidelines to clients:

1. Please browse the frequently asked questions first to see if there are already the same or related questions that were asked on your query/ies;
2. Official response to issues shall be provided by the concerned office of the Commission, not through this forum;
3. Requests for the status of the case is not allowed in this forum;
4. Questions regarding the scheduled CSC examination will be deleted;
5. This forum is categorized according to subject matter. Please post your queries in appropriate category;
6. Post a descriptive topic name. Give a short summary of your problem/s;
7. No spam in this forum. Your posts will be deleted and your account will be banned without prior warning;
8. Refrain from posting pictures and offensive words or links. Violation of this rule shall give the administrator the right to delete your posts and ban your account without prior warning;
9. Please report to administrators if you see a user violating any of this guidelines;
10. Be respectful to the administrators and users; and
11. Please avoid text-message style substitution of words like “r” for “are” and “u” for “you”. If your message is difficult to understand the administrator shall inform you to rewrite your message.

Question Legal action regarding processing of school documents

More
1 year 7 months ago #330 by Jericho E. Padilla
Jericho E. Padilla created the topic: Legal action regarding processing of school documents
Hello! I am a student leader in a state university. Member ako ng highest governing student body organization sa campus namin. Kapag nagpo-process kami ng resolutions para sa withdrawals namin sa fund namin for our projects, may time na hindi pinipirmahan ng head ng institution namin iyong resolution namin kahit dumaan naman sa tamang proseso. Nireview naman ng mabuti ng student council namin iyong pagkakagastusan. Furthermore, pinagbotohan na rin ng student council namin. Pinipirmahan naman ng adviser, Head ng Student Affairs and Services iyong mga resolutions namin kaso nga lang hinaharang sa taas. Hinaharang niya lang dahil sa whims niya. Well in fact, in-aassure naman namin na dumadaan sa deliberation. Furthermore, minsan ayaw niyang pirmahan iyong projects namin kasi may project siya na gustong papondohan sa amin na hindi naman gusto ng council. Kapag hindi po namin sinusunod iyong gusto niya, hindi niya na po pipirmahan iyong mga resolutions namin kahit dumaan naman sa tamang proseso. Ang mga tanong ko po:

1. Ano po kayang legal action ang maaaring gawin ng aming student council hinggil sa issue na ito?
2. Ano po ang pwedeng discipinary action sa official na gumagawa nito?

Please Log in or Create an account to join the conversation.

More
1 year 7 months ago #336 by Action Officer 9
Action Officer 9 replied the topic: Legal action regarding processing of school documents
Mr. Jericho E. Padilla:

Ito ay tugon sa iyong katanungan kaugnay sa inyong alegasyon na may nagaganap na irregularidad sa pag-aaproba ng withdrawal-funds para sa inyong mga proyekto na nagaganap sa inyong institution.

Nabanggit mo sa iyong liham ang mga sumusunod:

"Hello! I am a student leader in a state university. Member ako ng highest governing student body organization sa campus namin. Kapag nagpo-process kami ng resolutions para sa withdrawals namin sa fund namin for our projects, may time na hindi pinipirmahan ng head ng institution namin iyong resolution namin kahit dumaan naman sa tamang proseso. Nireview naman ng mabuti ng student council namin iyong pagkakagastusan. Furthermore, pinagbotohan na rin ng student council namin. Pinipirmahan naman ng adviser, Head ng Student Affairs and Services iyong mga resolutions namin kaso nga lang hinaharang sa taas. Hinaharang niya lang dahil sa whims niya. Well in fact, in-aassure naman namin na dumadaan sa deliberation. Furthermore, minsan ayaw niyang pirmahan iyong projects namin kasi may project siya na gustong papondohan sa amin na hindi naman gusto ng council. Kapag hindi po namin sinusunod iyong gusto niya, hindi niya na po pipirmahan iyong mga resolutions namin kahit dumaan naman sa tamang proseso."

Ang mga tanong niyo ay:

"1. Ano po kayang legal action ang maaaring gawin ng aming student council hinggil sa issue na ito?
2. Ano po ang pwedeng discipinary action sa official na gumagawa nito?"


Dahil sa kakulangan ng ilang inpormasyon sa iyong liham, nais naming ipaalam sa inyo na tutugonan po namin ang inyong mga katananungan batay sa inyong representasyon.

Ayon sa aming pagsusuri, ang iyong liham ay may kaugnayan sa mga sumusunod na concerns o katanungan:

1. Ministerial ba sa Puno ng Institusyon na aprobahan ang budget para sa proposed project na sinangayunan ng student council at Head ng Student Affairs and Services;
2. May jurisdiction ba ang Komisyon ng Serbisyo Sibil sa isang Puno ng Institution;
3. Kung may jurisdiction ang Komisyon ano ang tamang hakbang sa pag-file ng Complaint at anong kaso ang maaari ifile laban sa puno ng inyong institution.


Nais naming ipaalam na bilang patakaran o polisiya, ang tanggapang ito ay hindi nagbibigay ng katagorikal na opinyon na kung saan ang mga issues nito ay magiging pangunahing nilalaman sa kasong administratibo sa Komisyon sa pamamagitan ng appeal o complaint. Ito ay para maiwasan ang pasibilidad ng prejudgement kung sakaling may nai-file na actual na kasong administratibo kaugnay sa nasabing issues.

Gayun pa man, ang mga sumusunod ang aming tugon sa inyong concerns.

Bilang tugon sa iyong unang concern, bagamat may kakulangan sa impormasyon kaugnay dito, may kaugnayan tila ang inyong katanungan sa polisiya pang-serbisyo sibil, particular sa Managerial Position o Puno ng Institution at sa jurisprudence definition ng ministerial at discretionary. Dahil dito, iniimbitahan namin ang inyong atensyon sa Item 1, C, ng CSC Memorandum Circular No. 13, s. 2011 (Policies for Executive/Managerial Positions in the Second Level), at sa Codilla, Sr. v. de Venecia, 442 Phil. 139 (2002), kung saan pinahayag ang mga sumusunod:

"c. Executive/Managerial - this includes professional, technical and scientific positions, the functions of which are managerial in character, exercising management over people, resource, and/or policy and exercising functions such as planning, organizing, directing, coordinating, controlling and overseeing the activities of an organization, a unit thereof or of a group, requiring some degree of professional, technical or scientific knowledge and experience, application of managerial skills required to carry out basic duties and responsibilities involving leadership, functional guidance and control. These positions require intensive and thorough knowledge of a specialized field."

at

"The distinction between a ministerial and discretionary act is well delineated. A purely ministerial act or duty is one which an officer or tribunal performs in a given state of facts, in a prescribed manner, in obedience to the mandate of a legal authority, without regard to or the exercise of his own judgment upon the propriety or impropriety of the act done. If the law imposes a duty upon a public officer and gives him the right to decide how or when the duty shall be performed, such duty is discretionary and not ministerial. The duty is ministerial only when the discharge of the same requires neither the exercise of official discretion or judgment."

Dahil ang Puno ng Institution ay tagapamahala ng eskwelahan, siya ay may managerial functions at may discretionary functions and/or powers.

Bilang pagtugon sa iyong pangalawang concern, ang iyong atensyon ay iniinbitahan sa CSC MC No. 13, 2. 2011 na nagbibigay regulasyon sa executive/managerial positions lamang, na nasa second level na non-presidential appointees. Dahil dito lalong pinatibay na hindi sakop o wala sa jurisdiction ng Komisyon ang mga executive/mangagerial positions na presidential appointees. At dahil po dito, maaari niyo rin pong alamin kung presidential appointee ang Puno ng inyong Institution.

Bilang pagtugon sa iyong panghuling concern, ang tamang hakbang sa pag-file ng Complaint at ang maaaring i-file na Complaint laban sa puno ng inyong tanggapan ay makikita sa Rules 3 (Complaint) at 10 (Schedule of Penalties) ng Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RRACCS). Maaari rin po kayong bumisita sa opisyal na website ng Komisyon ng Serbisyo Sibil na makikita sa www.csc.gov.ph . Hanapin lang ang topic na ‘issuances’ at pagkatapos makikita po ang mga desisyong disciplinary ng Komisyon at mga Polisiyang pang-serbisyo sibil.

Nawa'y naliwanagan kayo.

Maraming salamat po!

Please Log in or Create an account to join the conversation.

Powered by Kunena Forum